78

Mar 7, 2020 @ 14:01
By

29 katao na nakasalamuha ng 2 Pinoy COVID-19 patient, nahanap na ng DOH

Patuloy ang isinasagawang contact tracing ng Department of Health para mahanap ang mga nakadaupang-palad ng dalawang Pinoy na nagpositibo sa coronavirus sa Pilipinas.

Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng Quick Response Team sa GMA News TV, nasa 29 na ang kabuuang nahahanap nila na nakalapit sa dalawang nagpositibo sa COVID-19.

“Para po dito sa ating fourth case, meron na tayong 9 na katao na na-trace na po natin, na nakuhanan na rin po natin ng mga specimens para ma i-test,” ayon kay Vergeire.

“Dito naman po sa ating pang-limang pasyente, meron na po tayong na trace na more than 20 na po na mga tao na iniimbestigahan sa ngayon,” saad pa nito.

Matatandaan na nitong Biyernes ay kinumpirma ng Department of Health ang dalawang bagong kaso, ang una ay isang Pinoy na nanggaling sa Japan, habang ang pangalawa naman ay taga-San Juan na hindi pa nakakabiyahe sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?