35

Oct 19, 2021 @ 16:42
By

29 iskul atras sa pilot face-to-face classes

Dahil ‘di aprub sa lokal na pamahalaan at magulang ng mga bata, 29 paaralan ang umatras sa pilot face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 15.

Kaya naman, mula sa 59 ay 30 na lamang ang paaralan na sasalang sa face-to-face classes.

“Doon sa 59 na naunang listahan, 30 rito ang magsisimula ng pilot face-to-face sa November 15,” pahayag ni Department of Education (DepEd) Director Malcolm Garma ngayong Martes.

Isang dahilan pa umano na nagresulta sa pag-atras ng mga naturang paaralan ay ang pagtaas ng mga kaso ng COVID sa kanilang lugar.

Ang 59 paaralan na unang inilista bilang pagdadausan ng face-to-face classes ay nakakalat sa mga lugar sa bansa na low-risk sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?