14

Jan 10, 2022 @ 10:40
By

285 kawani ng PNR positibo sa antigen test

Pina-isolate ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) kanilang 285 empleyado matapos mag-positibo ang mga ito sa antigen test.

“Yung ating huling bilang na 261, ngayon po ay 285 na at continuing po ang ating testing lalo na sa passenger-facing employees,” pahayag ni PNR spokesperson Atty. Celeste Lauta sa panayam ng Dobol B TV ngayong Lunes.

Bukod pa rito, 58 sa mga nagpositibo ay mga PNR employee na humaharap sa mga pasahero.

“Karamihan naman po ay non-passenger facing,” aniya.

Ang PNR ay may humigit-kumulang 1,700 empleyado, kaya’t patuloy pa rin umano ang kanilang operasyon.

Dagdag pa ni Lauta, na-disinfect ang mga tren ng PNR kaya’t ligtas pa rin ang pagsakay dito.

“Bago siya bumalik sa susunod niyang biyahe, disinfected na po iyon,” aniya. (MJD)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?