58

By

28 pulis sugatan sa girian sa rally sa Maynila

Dalawangpu’t walong pulis ang sugatan sa nangyaring girian noong Lunes sa Padre Faura Ermita Manila sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, malala sa mga nasugatang pulis ay nagtamo ng palo sa kanyang mukha, ang iba ay palo sa braso habang karamihan ay nagtamo ng gasgas sa katawan.

Wala namang naarestong raliyista kahapon sa nanyaring girian, pero inihahanda na ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga militanteng grupo.

Mahigpit pa rin ang paalala ni Albayalde sa mga pulis na palaging pairalin ang maximum tolerance.

Pakiusap pa ng NCRPO Chief sa mga raliyista, maging civilize ang mga ito habang inihahayag ang kanilang saloobin. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?