116

Dec 30, 2017 @ 9:58

28 pts ni Jeron Teng ‘di umubra sa KaTropa

Nagsalansan man ng 28 puntos sa kanyang ikalawang laro si rookie Jeron Teng, hindi pa rin sapat para balikatin ang kanyang koponang Alaska Aces para pataubin ang TNT KaTropa, 106-98, kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Naiiwan ng 10 puntos ang Aces patungo sa last two minutes, dumepende ang Alaska kay Teng na gumawa ng lima sa kanyang huling sampung puntos ang rookie ngunit may sagot palagi ang mga beterano ng TNT sa kada basket nito at masiguro ang panalo.

Walang turnovers sa 31 minutong nilaro ang dating La Salle star at naging episyenti rin sa field na may 55%. Nagtala rin ito ng 10 rebounds, limang assists at apat na steals.

Ang dating kapwa Archer niyang si Jayvee Casio ay lumagare rin ng 17 points habang umiskor si Calvin Abueva 16 at may nakuhang siyam na rebounds.

Si Troy Rosario ang nanguna sa TNT na may 21 points, limang tres at walong rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?