115

Jan 12, 2022 @ 19:40
By

28 lalawigan, lungsod itinaas sa Alert Level 3

Nadagdagan ang mga lalawigan at lungsod na nasa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 partikular ang Omicron variant.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng Malacañang, ang mga lugar na inilagay sa Alert Level 3 ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force nitong Miyerkoles.

“The Inter-Agency Task Force on Wednesday, January 12, 2022 elevated 28 provinces and cities to Alert Level 3,” ani Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles.

Kabilang sa mga isinailalim sa Alert Level 3 ay ang mga sumusunod:

LUZON
Benguet, Kalinga, Abra, La Union, Ilocos Norte, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino, Tarlac, Quezon province, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Camarines Sur at Albay.

Nasa Alert Level 3 din ang mga lugar sa Visayas, partikular ang Bacolod City, Aklan, Capiz, Antique, Cebu City, Mandaue City at Tacloban City.

Sa Mindanao, nasa Alert Level 3 ang Cagayan de Oro City, Davao City, Butuan City, Agusan del Sur at Cotabato City.

Magiging epektibo ang Alert Level 3 sa mga nabanggit na lugar simula January 14, hanggang January 31, 2022.

Ang mga hindi nabanggit na mga lugar ay mananatili sa kanilang kasalukuyang alert level status.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?