112

Jun 4, 2020 @ 13:52
By

28 flight nilunsad, 30K stranded tinulungan ng DOT

Umabot sa 30,347 stranded na indibidwal ang inasistehan ng Department of Tourism.

“We have assisted as much as 30,347 foreign and domestic tourists especially galing from the different regions coming to Manila because they will take their repatriation and exiting flights out of the country,” ayon kay DOT-NCR Director Woodrow Maquiling sa “Laging Handa” media briefing ngayong Huwebes.

Sa partikular ay marami aniyang na-stranded na dayuhang turista sa mga kilalang tourist spot sa ‘Pinas, kabilang ang Boracay, Siargao, Palawan, Cebu at Negros.

Hanggang 28 ding sweeper flights mula sa iba’t ibang lalawigan patungong Metro Manila ang kinasa ng DOT, wika pa ni Maquiling.

Dagdag niya, tumulong din ang pambansang ahensiya sa iba’t ibang konsulado at embahada sa Maynila para mailunsad ng mga ito ang kani-kanilang sweeper flight at matiyak na ligtas na makaaalis sa bansa ang mga dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?