1,332

Aug 3, 2019 @ 11:13

28 delinquent employers, natunton ng SSS sa Luzon

Muling rumonda ang Social Security System (SSS) sa Luzon at 28 employers ang sinita nito at binigyan ng show cause order ngayong linggo.

Pinagpapaliwanag ng SSS ang 12 employers mula sa Tuguegarao, Cagayan, anim mula sa San Pablo, Laguna, at 10 sa Legazpi, Albay kung bakit hindi nila nareremita ang premium payment ng kanilang mga tauhan.

Humihingi rin sila ang paliwanag hingil sa kung bakit hindi nila inirehistro ang kanilang negosyo sa SSS at pinagpapalabas ng employment records ng kanilang mga empleyado.

Dahil sa pagroronda ngayong linggo, halos 250 manggagawa na ang makakakuha ng benepisyo sa SSS sakaling sila ay magkasakit o mawalan ng trabaho.

Ang aksong ginawa ngayong linggo ay ang ikalimang kampanya ng Run Against Contribution Evaders ng SSS.

Sa ngayon hanggang September 6, maaari pang mag-avail ang mga delinkwenteng employers ng Contribution Penalty Condonation Program ng SSS at bayaran ang kakulangang premium ng kanilang mga tauhan nang hindi muna pagmumultahin.

Ang mga inisyuhan ng show cause order ay may 15 araw mula sa pagkakatanggap ng kasulatan para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kaso.

Kriminal na kaso ang hindi pagbayad ng kontribusyon ng mga manggagawa sa SSS at ang parusa dito ay hanggang 12 taong pagkakakulong, o multa na P5,000 hanggang P20,000, o parehong kulong at multa.

“We are urging private sector workers, even those working in small businesses, to be vigilant and regularly check their contributions record to ensure that their employers are remitting their contributions to SSS,” sabi ni SSS president and CEO Aurora Ignacio. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?