5

Nov 7, 2020 @ 15:47
By

2,794 drug suspect na napalaya nang maaga, balik kulungan

Kabuuang 2,794 drug suspect na laya na ang naarestong muli dahil sa pag-ulit sa iligal na aktibidad, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado.

Kabilang ang mga ito sa 19,947 drug suspect na pinagkalooban ng early release sa nakalipas na apat na taon sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Sa ulat, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Ysmael Yu, na 66 na repeat offender ang muling umapela para sa plea bargaining agreement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?