12

Sep 9, 2021 @ 9:58
By

271 pulis nagpositibo sa COVID

Naitala nitong Miyerkoles ang 120 bagong COVID cases sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, sumipa na sa 36,527 ang kabuuang bilang ng pulis na nagpositibo ng naturang virus.

Tumaas naman sa 33,335 ang total recovery matapos maitala 191 62 bagong nakaligtas mula sa COVID mula sa kanilang ahensya.

Nanatili naman sa 108 ang kanilang death toll.

Kasalukuyang sumipa na sa 2,579 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID sa PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?