298
27 RoRo routes binuksan ngayong nalalapit na Summer season
Mar 10, 2019 @ 15:33
By

27 RoRo routes binuksan ngayong nalalapit na Summer season

Umaabot sa 27 mga Roll-on/Roll-off (RoRo) routes ang binuksan ng Maritime Industry Authority (MARINA) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turista at dayuhan na uuwi at mamamasyal sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), layunin nito na maipatupad ang modernisasyon sa local shipping industry.

Una nang naglaan ng 19 RoRo routes ang MARINA upang bigyan ng ruta ang mga shipping lines kasabay ng sunud-sunod na problema sa mga pantalan na kung saan ay hindi naihahatid ng maayos o naaantala ang paghatid ng mga produkto.

Paliwanag ng MARINA na maaring mag-apply ang mga shipping firms para magamit ang mga bagong ruta sa Daanbantayan, Cebu patungong Calbayog City, Samar; Tabuelan, Cebu hanggang Ajuy, Iloilo; Laoay, Bohol to Cagayan de Oro; San Juan, Batangas to Calapan, Oriental Mindoro; Iloilo City to Cuyo, Palawan; San Pascual, Burias Island, Masbate to Pasacao, Camarines Sur; San Andres, Quezon to Pasacao, Camarines Sur; at Lucena, Quezon hanggang San Fernando, Masbate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?