36

Nov 27, 2021 @ 18:06
By

27-man pool ng Azkals para sa Suzuki Cup inilabas

Inilabas na ang listahan ng mga pangalang pagpipilian para maging parte ng Philippine Azkals na sasalang sa AFF Suzuki Cup na gaganapin sa Disyembre 5 sa Singapore.

Isa sa mga inaasahang makakapasok sa final lineup ang naturalized striker na si Bienvenido Marañon.

Kasama ni Marañon sa player pool sina Angel Guirado, Patrick Reichelt, Stephan Schrock, Harry Foll, Dennis Chung, Sandro Reyes, Oli Bias, Kevin Ingreso, Oskari Kakkonen, Amin Nazari, Kenshiro Daniels, Mike Ott, Iain Ramsay, Amani Aguinaldo, Justin Baas, Matthew Custodio, Mar Diano, Yrick Gallantes, Christian Rontini, Daisuke Sato, Martin Steuble, Jefferson Tabinas, Jesper Nyholm, Kevin Ray Hansen, Bernd Schipmann at Quincy Kammeraad.

Ang Azkals ay sasabak sa Group A ng nasabing kompetisyon kung saan makakasagupa nila ang Singapore, Timor Leste, Thailand at Myanmar.

Ang AFF Suzuki Cup ay noong nakaraang taon pa sana gaganapin ngunit nadiskaril dahil sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?