32

By

27 katao target ang Senado sa unang araw ng COC filing

Sharing is caring!

Umaabot sa dalawampu’t pitong senatorial aspirant ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa unang araw ng pagsisimula ng paghahain ng kandidatura.

Kabilang sa mga humabol para sa pagka-senador sina Nur-ana Suhaili Sahidulla, dating Sulu Representative; Prof Antonio Valdes; Vicente Raymund Avena, Real Estate Broker mula Quezon City; at Missionary Eric Negapatan na taga-Rodriguez, Rizal.

Bukas muling magbubukas ang Comelec office sa Intramuros, Maynila ng alas-otso nang umaga hanggang alas-singko nang hapon para tumanggap ng COC mula sa mga aspirante sa pagka-senador at Party-list.

Kanina ay maagang naghain ng kanilang COC sina ex-Senate President Koko Pimentel at Folk Singer na si Freddie Aguilar sa ilalim ng PDP-Laban Party.

Si Dr. Willie Ong naman ay tumatakbong senador sa ilalim ng Lakas-CMD Party.

Habang bukas naman si Neri Colmenares mula sa Makabayan Party na kuning guest candidate ng ibang party para sa kanilang senatorial slate huwag lang sa administrasyon.

Si Samira Gutoc-Tomawis mula Marawi at pambato ng Liberal Party ay isusulong ang karapatan ng mga bakwit sa Senado.

Naghain din ng COC para sa pagka-senador ang magsasaka mula sa Batangas na si Dionisio Manalo; Publisher/Editor Christian Castro; Salam E.D.E Lacan Luisong Tagean mula sa Camarines Sur; Broadcast Journalist Melchor Chavez; negosyanteng si Ibrahim Albani.

Nais ding kumandidato sa pagka-senador ng guro sa Pasay na si Robel dela Cruz; Carmelo Carreon na Licensed Insurance Agent mula sa Iloilo; negosyante mula sa Laguna na si Marvin Navarro; Anson Tuana mula sa San Juan; Ramon Raco Diaz ng Capiz; Registered Nurse Eleazar Salon; Atty. Danilo Roleda; OFW na si Rey Dapat; negosyante na si Gerald Arcega at nagpapakilalang bokalista ng isang rock band na si Daniel Magtira at self-employed mula sa Quezon na si Rolando Merano.

Kabilang sina Victoriano Inte at Abner Afuang.

Samantala, umaabot naman sa labing walong Party-list group ang naghain ngayong araw ng kanilang Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination.

Kabilang dito ang Abono; Butil; Manila Teachers; Kabayan; PBA; PBB; Senior Citizens; Diwa; Bisdak; Utap; Guarjan; ANAC-IP at Laang-Kawal Pilipinas.

Pati na ang ABE Kapampangan; Sulong Dignidad; PLM Party-list; PNPA at ACTS OFWS Party-list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?