85

Oct 21, 2017 @ 16:24

27 eskuwelahan, itatayo sa Southern Leyte

Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng 27 disaster-resilient school building sa Southern Leyte.

Kaugnay nito, sinabi ni DPWH Southern Leyte District Engineer Ma. Margarita Junia, na bukas na ang kagawaran para sa nais na lumahok sa bidding para sa konstruksyon ng proyekto na pinondohan ng P84.6 milyon sa ilalim ng 2017 Basic Educational Facilities Fund.

Mula sa 27 gusali, apat ang itatayo sa Bayan ng Hinundayan; tig-tatlo sa Sogod, St. Bernard, Bontoc at Padre Burgos; tig-dalawa sa Limasawa, Silago at San Francisco, at tig-isa sa Liloan, Pintuyan, Malitbog, Macrohin at Tomas Oppus.

Tinitiyak ng DPWH na matatag ang disenyo ng school building at hindi ito magigiba ng malakas na hangin at lindol.

“For the past years, the country has experienced series of strong typhoons and lately ground tremors, specifically areas here in Eastern Visayas, prompting the Department of Education (DepEd) and DPWH to upgrade its standard classroom design,” paliwanag ni Junia. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?