6

Mar 4, 2021 @ 16:21
By

266 nadagdag, COVID survivor sa PH 535K na

535,037 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa sakit na coronavirus sa Pilipinas.

Ito’y matapos madagdagan ng 266 ang mga COVID-19 survivor sa bansa.

Ayon pa sa Department of Health ngayong Huwebes ng hapon, may 2,452 bagong nahawa at 15 pang kumpirmadong ginupo ng virus.

Kaya umakyat sa 584,667 ang mga nagpositibo sa nasabing respiratory illness, kabilang ang 37,226 active case.

Habang 12,404 katao na ang namatay dahil sa coronavirus sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?