72

265 patay sa pag-ulan sa East Africa

Dahil sa baha at pagguho ng lupa na bunsod ng dalawang buwan na pag-ulan, hindi bababa sa 265 ang naitalang patay sa East Africa.

Ayon pa sa tala ng Agence France-Presse (AFP), nasa dalawang milyong residente ng Kenya, Somalia, Burundi, Tanzania, South Sudan, Uganda, Djibouti at Ethiopia ang nasalanta ng kalamidad.

Ayon sa tala ng AFP, ng mga awtoridad, at mga NGO, 132 na ang nasawi sa Kenya; 38 sa Burundi; 22 sa Ethiopia ang nasawi sa pagguho ng lupa; walo ang patay sa Uganda; pawang apat ang patay sa Bududa at Sironko districts.

55 ang namatay sa Tanzania: 30 sa flash floods nitong Oktubre, 15 ang tinangay sa pagbaha sa Tanga, at 10 ang nalunod sa hilagang Mwanza.

Kakaiba rin ang naranasang mabibigat na pag-ulan sa Djibouti na nagresulta sa 10 sawi (pito rito ay menor de edad), ayon sa isang joint government and United Nations press statement.

Bukod pa sa parating na tropical storm sa Somalia, inaasahan ng mga awtoridad na magtutuloy-tuloy ang pag-ulan hanggang sa katapusan ng Disyembre 2019, kaya pinangangambahan din ang paglaganap ng kagutuman at mga kaugnay na sakit sa mga apektadong mamamayan.

Sinisisi sa tuluy-tuloy na kalamidad ang hindi pangkaraniwang temperatura ng Indian Ocean, bunsod ng Indian Ocean Dipole.

Sa ngayon, mas mainit nang two degrees ang katubigan sa East Africa kaysa sa katubigan na malapit sa Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?