280

Dec 17, 2017 @ 19:09
By

26 patay sa landslide sa Biliran dahil sa bagyong Urduja

Umabot na sa 26 ang nasawi habang 23 naman ang nawawala sa silangang bahagi ng Pilipinas matapos bayuhin ng bagyong Urduja (may international name na Kai-Tak) nitong Linggo.

Ang mga namatay ay mula sa lalawigan ng Biliran na sinasabing natabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok.

Bukod sa Biliran, nanalasa din si Urduja sa Samar at Leyte noong Sabado kung saan winasak nito ang linya ng kuryente sa 39 bayan at lungsod at sinira din ang mga kalsada at tulay doon.

Umabot naman sa 87,000 katao ang lumikas bago pa man manalasa ang bagyong Urduja sa nabanggit na mga rehiyon.

“There is a total of 26 people dead from landslides in four towns of Biliran. We have recovered the bodies,” pahayag ni Sofronio Dacillo, provincial disaster risk reduction and management officer, sa AFP.

Kinumpirma naman kay Gerardo Espina, governor ng Biliran, ang bilang ng mga nasawi sa isang panayam sa telebisyon. May 23 katao din ang nawawala.

Hindi pa makumpirma ng national disaster risk reduction agency kung 26 nga ang namatay sa Biliran kabilang na ang tatlong nasawi noong Sabado.

Nitong Linggo ng tanghali, humina na ang bagyong Urduja na may taglay na pagbusong 80 kilometro kada oras at mula sa dating tropical storm, ginawa na lang itong tropical depression.

Subalit nagbabala pa rin ang mga disaster officials sa posibleng pagbaha at landslide sa ilang lalawigan na patuloy pa rin ang pag-ulan.

Mahigit naman sa 15,500 pasahero ang na-stranded dahil sinuspinde ang biyahe ng mga barkoi sa nasabing mga rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?