87
346 gov't exec na sumusuporta sa NPA, kakalusin ng DILG
Jul 10, 2019 @ 21:30
By

26 local leader na nasa narco list, bantay-sarado ng DILG

Nakamonitor na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa 26 local chief executive na nanalo noong May 13 elections at kasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Secretary Eduardo Año, nahaharap na sa mga kasong administratibo ang naturang 26 na local official na kabilang sa 47 na opisyal na nilantad noon ng Pangulo ang mga pangalan.

Tinanggalan na rin sila ng kapangyarihan sa kapulisan.

“As for local chief executives who are in the narco list but still have deputation power… we already started the deliberation in the NAPOLCOM en banc,” saad ni Año.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?