47

Mar 5, 2020 @ 15:30
By

26 babaeng kadete ganap nang army trooper

Umaabot sa 26 female recruit ng Philippine Army ang sumumpa na sa Camp Evangelista bilang tauhan ng 4th Infantry “Diamond” Division (4ID).

Ito’y matapos silang sumailalim sa matinding selection process, kabilang ang written examination, physical at medical examinations, at iba pang proficiency test para marating ang pagiging full-fledged government trooper.

Ayon kay Brig. Gen. Oliver Vesliño, 4ID assistant division commander, kabilang ang 26 sa 141 female aplikanteng kadete na nagnanais na magsilbi bilang tropa ng pamahalaan.

“After you’ve been given the chance to wear the uniform of the Army, always remember that you no longer carry the identities that you once possessed as civilians before you entered the military service. You will be molded and trained like all other infantry women to become professional soldiers,” ayon kay Vesliño.

Isasailalim ang mga pumasang sundalo sa six-month rigid military training para lubos na mahasa sa kilos ng mga sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?