40

Dec 13, 2017 @ 9:12
By

2,500 kaso ng DUI, naresolba na ng PNP

Ipinagmalaki ng pamunuan ng PNP na umabot na sa 2,500 kaso ng death under investigation (DUI) na iniuugnay sa extra judicial killings ang naresolba na.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, inilabas nito ang talaan kasunod ng pagbabalik muli sa pulisya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs.

Batay sa isinagawang masusing imbestigasyon, natukoy na hindi lahat ng kaso ng DUI ay may kaugnayan sa kaso ng iligal na droga dahil may natukoy na silang mga suspek kung saan ang iba ay sinampahan na ng kaso.

Nilinaw ng chief PNP na sa kanila ipinupukol ang mga napapatay sa mga operasyon kahit wala naman itong kinalaman sa operasyon laban sa illegal drugs.

Sinabi ni Dela Rosa na maituturing naman na magandang indikasyon ang pagkakaresolba ng 2,500 kaso ng DUI.

Sa ngayon ay handa na ang mga mekanismo ng PNP bago nila pasimulan ang operasyon sa paglaban sa iligal na droga. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?