68

Jun 24, 2018 @ 20:31
By

25 sugatan sa pagsabog ng gusali sa Germany

Mahigit 25 katao ang nasugatan, apat sa kanila ay kritikal, matapos sumabog sa isang apartment building sa Wuppertal City, Germany.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang pagsabog Sabado ng hatinggabi. Sa lakas ng pagsabog, nawasak ang attic ng gusali at bumagsak ang bahagi ang tatlong palapag nito.

Lumabas naman sa kani-kanilang bahay ang mga residente malapit sa gusali matapos marinig ang pagsabog.

Nagkaroon din ng sunog sa ilang palapag ng gusali at nahirapan ang mga bumberong apulahin ito dahil sa unti-unting pagbagsak ng ilang bahagi ng gusali.

Nailigtas ng mga rescuers ang apat na residente na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. Bahagyang nasugatan ang 21 iba at ginamot na sa emergency staff sa lugar.

Sinisiyasat na ng mga imbestigador ang dahilan ng pagsabog. Hindi naman masabi ng mga pulis kung posibleng terorista ang may kagagawan ng insidente.

Sa lakas ng pagsabog, nawasak din ang isang kotse sa na naka-park sa gilid ng gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?