27

By

25 sugatan, ilang simbahan nasira sa 5.5 quake sa Surigao del Sur

Nasa 25 ang nasaktan habang ilang mga bahay, simbahan at gusali ang nasira matapos yumanig ang magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Sur nitong Sabado.

Tumama ang lindol dakong alas-4:42 ng madaling-araw sa bayan ng Carrascal at may lalim na 11.8 kilometro.

Pito umanong aftershocks ang naitala matapos nito.

Nagtakbuhan ang mga tao palabas ng kanilang mga bahay habang inilikas din ang mga pasyente mula sa Madrid District Hospital matapos magkaroon ng biyak sa mga pader nito.

Gumuho rin maging ang bubungan ng car park sa Madrid na nakasira sa tatlong sasakyan at dalawang trak ng bumbero.

Naramdaman din sa kalapit na mga bayan ang impact ng lindol kung saan na-damage ang mga bahay, simbahan, hotel, gym, tulay at palengke.

Naitala ng mga rescuer ang 25 sugatan sa buong rehiyon kabilang na ang anim sa Madrid at isang mag-ama na na-trap ng tipak ng bato mula sa gumuhong bubungan sa kanilang kuwarto sa Cantilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?