51

Apr 30, 2020 @ 15:29
By

25 sanggol sa ‘Pinas positibo sa COVID-19

Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na may kabuuan nang 25 na sanggol na positibo sa coronavirus sa bansa.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 25 na baby, anim dito ang namatay habang ang iba ay nakarekober.

Ang pinakabatang biktima ay isang 9-day-old mula sa Cebu.

Samantala, wala pa aniyang ebidensiya na makakapagsabing naililipat ng ina ang infection sa baby pagkapanganak.

Batay sa tala ng DOH, 16 sa COVID positive baby ay mula sa National Capital Region habang ang iba ay sa Calabarzon, Central Visayas at Central Luzon.

Kabilang naman sa namatay ang sanggol mula sa Caloocan City at Lipa City.

Sa kanilang Facebook page ay masayang binalita ng DOH ang pinakabatang nakarekober sa COVID-19 na isang 16-day old baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?