36

By

25 pasaway arestado sa unang araw ng gun ban

Umabot sa 25 ang naaresto sa unang araw ng pagpapatupad ng gun ban para sa papalapit na May midterm elections.

Sinabi ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na nakakumpiska sila ng 27 baril, pitong kutsilyo at 22 gun replicas sa mga itinatag na Comelec gun ban checkpoints.

Bukod dito, nakatsamba din ang PNP sa mga checkpoint ng 70 sachets ng shabu at drug paraphernalia.

Binanggit pa nito na sa unang araw ng gun ban, nakapagtatag sila ng 4,447 checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula noong hatinggabi kahapon, araw ng Linggo.

Sa inilabas na kautusan, kinakailangan na makapaglagay ng kahit isang checkpoint sa bawat lungsod o bayan sa bansa para sa pagpapatupad ng gunban.

Magiging epektibo ang gunban ng anim na buwan at partikular na magtatapos ito sa Hunyo 13.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms ang mga sibilyan na lalabag sa gunban, samantalagang karagdagang kasong administratibo naman ang kahaharapin ng mga nasa ‘uniformed service.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?