ABANTE-TNT-sunog-area
By

25 pamilya nasunugan sa QC

Sharing is caring!

Umaabot sa 25 pamilya ang nawalan ng tahanan sa mahigit dalawang oras na sunog na sumiklab sa residential area sa Quezon City, noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City, nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nagsimula ang apoy sa isang tahanan sa Barangay Kaligayahan sa lungsod.

Ayon kay FO3 Leonathan Tumbaga, arson investigator ng Quezon City Fire Department, sa kusina sa tahanan ng isang Marita Ranque nagmula ang apoy.

Hinihinalang naiwang nakasinding LPG ang pinagmulan ng sunog at dahil magkakadikit ang mga bahay sa lugar at pawang gawa sa light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Nagtagal ng mahigit dalawang oras ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-7:10 ng gabi. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?