75

Mar 18, 2020 @ 19:46
By

25% ng COVID-19 patient sa Metro Manila, nasa Quezon City

Inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na 25-percent ng coronavirus sa Metro Manila ay nasa kanilang lungsod.

Ibig sabihin nasa 29 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Quezon City.

Ngunit ayon kay Belmonte, hindi na ito dapat ikabigla.

“Hindi nakakagulat ang porsyentong ito sapagkat ang laki ng Lungsod Quezon ay 25 porsyento din ng laki ng Kalakhang Maynila,” saad ni Belmonte.

Sa ngayon ay mayroong tatlong kaso sa Crame, Barangay Kalusugan at Tandang Sora.

May dalawa naman sa Matandang Balara, habang tig-isa naman sa Project 6, San Antonio, at Barangay Del Monte, Maharlika, San Isidro Labrador, Bagong Silangan, Soccoro, E. Rodriguez, Ugong Norte, White Plains, Marilag, South Triangel, Paligsahan, Valencia, Dona Imelda, Pasong Putik, Mabagbag, at Pasong Tamo.

Tatlo sa kanilang pasyente ay na-discharge na sa mga ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?