52

By

25 bahay nilamon ng apoy sa Tondo

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa Baseco Compound sa Tondo, Manila, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog ng alas-10:58 ng umaga na agad itinaas sa third alarm dakong alas-11:07 ng umaga.

Naapula ito makalipas ang isang oras.

Nasa 60 na pamilya umano ang apektado ng sunog habang P50,000 halaga ng ari-arian ang naabo.

Samantala, habang isinusulat ito ay hindi pa batid ang sanhin ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?