21

May 11, 2020 @ 11:52
By

25 bahay natupok sa Cebu

‘Di bababa sa 25 kabahayan ang natupok ng apoy makaraang sumiklab ang sunog sa Barangay Inayawan, Cebu City nitong Linggo ng hapon.

Natanggap ng fire bureau ang alarma bago mag-ala-una ng hapon. Bandang 1:12 ng hapon tinaas ang alarma sa 2nd alarm.

1:37 ng hapon, napigilan ang pagkalat ng apoy sa Sitio Isla Verde-Lower Torre. Dineklara ang fire-out makalipas ang 20 minuto.

Tinatayang P200,000 ang pinsala sa mga kagamitan dahil sa sunog na madaling kumalat gayong gawa sa light materials ang mga bahay sa sitio.

Ayon sa imbestigador, sa isang ulat, nagsimula ang apoy sa isang silid na pinagmamay-arian ni Randy Torrejos.

Dinala sa barangay gym ang mga apektadong pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?