98

Dec 26, 2017 @ 17:29
By

25 atleta pokus sa ginto sa 2020 Tokyo Olympics

Sampung National Sports Association (NSAs) at 25 pambansang atleta na tinukoy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga aasahan sa posibleng pagmumulan ng paghukay ng ginto sa pagsabak sa 18th Asian Games, 30th Southeast Asian Games at ang pinakauna sa 2020 Tokyo Olympics.

“We have identified 10 sports and 25 athletes for the Tokyo Olympics,” sambit ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, ngunit walang partikular na binanggit na mga pangalan.

“One of the plans is to tap these particular athletes to undergo special training with the ultimate goal of qualifying for the Olympics,” ani Ramirez.

Pokus din ng PSC ang susunod na kampanya ng bansa sa 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang sa Indonesia kung saan nais nitong lagpasan ang pinadyak ng Pinas na isang ginto noong 2014 sa Incheon, Korea na iniuwi ng BMX rider na si Daniel Caluag.

Naniniwala si Ramirez na sa tulong ng Philippine Sports Institute (PSI) na pinamumunuan ni national training director Marc Velasco ay matututukan ng todo ang lahat ng potensiyal na atleta na magbibigay ng karangalan at prestihiyoso sa bansa sa paghablot ng target na medalya.

Optimistiko rin si Ramirez na makakayanan ng Pilipinas na masungkit ang ikalawang pangkalahatang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games at tuluyang maputol ang ilang dekada nang pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

“We will get medals in 2018 [Asian Games], I cannot give you colors. But in the SEA Games, we will be champion again and in the Olympics, we might get one gold,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?