31

Dec 29, 2017 @ 10:48

25 assists ni Rondo, NBA record

Nagtala ng NBA season high 25 assists si New Orleans point guard Rajon Rondo matapos talunin ang Brooklyn Nets 128-113.

Ang record ay pinakamarami nitong nakalipas ng 21 taon sa NBA. Nagawa ito ni Rondo sa loob lamang ng 30 minuto.

Si Jason Kidd ang huling player na nakakakuha ng 25 assists noong 1996.

Hindi pa rin nawawasak ang 30 assists sa isang laro sa NBA na naitla ni Scott Skiles noong 1990.

Ang 31-anyos na si Rondo ay may career-best na 24 assists sa isang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?