164

Mar 8, 2021 @ 20:22
By

25-anyos na single mom ginahasa ng pinsan

Inaresto habang natutulog sa kanyang bahay ang isang 30-anyos na lalaki matapos diumanong halayin ang kanyang pinsan sa bayan ng Dalaguete, Cebu.

Sa CDN Digital report, sinabi ng Dalaguete Police, na determinado ang 25-anyos na biktima, isang solong ina, na ituloy ang kasong rape laban sa kanyang pinsan.

Ayon sa biktima, naganap ang panghahalay bandang ala-1:30 ng madaling-araw noong Marso 7, 2021.

Lasing umano ang suspek nang pasukin ang biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa pinto sa likuran ng bahay nito.

Hindi na umano nagawang makasigaw o manlaban ng biktima dahil ayaw nitong matakot ang 2-anyos niyang anak na babae.

Dagdag ng biktima, sinuhulan siya ng suspek ng P500 para makipag-sex pero nang tumanggi siya ay ginahasa siya nito.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Dalaguete Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?