4

Oct 22, 2020 @ 10:48
By

24K katao sa Luzon apektado kay Pepito

Inulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na 5,247 pamilya o 24,032 mamamayan mula sa Cagayan Valley at Calabarzon ang naapektuhan ng Tropical Storm Pepito.

Batay umano ito sa mga natanggap nilang paunang ulat, ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal.

“We have a computed total of affected families of 5,247 (equivalent to) 24,032 individuals across Regions 2 and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, and Quezon),” aniya pa, as of October 21 ng gabi.

Samantala, wala namang naitalang pumanaw, nasugatan, o nawala sa mga nasabing rehiyon dahil sa masamang panahon.

“We are hoping (that we will have) zero casualty for Tropical Storm Pepito,” ayon pa sa opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?