73

Oct 13, 2017 @ 17:23

24K katao dinakma sa illegal gambling, illegal logging

Mahigit 24,000 na katao ang naaresto ng Philippine National Police sa anti-gambling at anti-illegal logging operations nationwide sa nakalipas na sampung buwan.

Sa datos ng PNP National Operations Center, 12,310 anti-gambling operations na inilunsad ng PNP mula January 1 hanggang October 11 ng taong ito.

Nakuha sa mga operasyong ito ang halos walong milyong pisong halaga ng mga cash bets at gambling paraphernalia.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, 16 na chiefs of police mula sa 6 na Police regional offices ang sinibak sa pwesto matapos na hindi maka-tupad sa direktiba ni PNP chief PDG Ronald bato delarosa na ipatigil Ang illegal na sugal sa kanilang nasasakupan.

Habang 889 ang naaresto ng PNP sa 1,024 anti illegal-logging operations, kung saan nakumpiska ng mga autoridad Ang 852,377 boardfeet ng kontrabandong kahoy na may kabuuang halagang 21.4 na milyong piso. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?