15
ABANTE jeepney drivers operation subpoena
By

244 jeepney drivers na sinita sa operasyon sinubpoena na

Sharing is caring!

Nagpalabas na ng subpoena ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) laban sa 244 na jeepney driver na una nang hinarang sa ginawang operasyon sa kampanyang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’.

Binigyan ng 24-oras ang mga driver para dalhin ang kanilang mga hinarang na sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) para isailalim sa isang road worthiness test.

Nabatid na 200 sa mga sinitang jeepney ay pawang may depektibong parte ng sasakyan habang ang 44 ay nagbubuga naman ng maitim na usok.

Ang LTO ay may apat na motor vehicle inspection systems (MVIS) lanes, dalawa ay sa East Avenue, Quezon City at ang dalawa pang MVIS lanes ay sa LTO office sa Pasay City.

Ang mga papasa sa gagawing test ay papayagan na makabiyahe habang ang babagsak ay i-impound.

Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng I-ACT personnel kabilang dito ang LTO, Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa operasyon nito na alisin na sa kalsada ang unworthy vehicles na naituturing nang panganib sa kaligtasan ng publiko. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?