93

Feb 15, 2020 @ 15:33
By

24 sex worker nasagip sa Makati, Pateros

Naaresto ang 24 katao kabilang na ang dalawang bugaw habang 24 babae ang nasagip matapos salakayin ang isang Spa, Cafe at KTV bar na ginagawa umanong prostitution den sa makakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Makati City at Pateros nitong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling- araw.

Sa Makati City, kinilala ang mga nadakip na sina Jeniffer De Leon, 30, maintainer; at mga sex worker na sina Angel; nasa hustong gulang, Riza, 22; Caren, 29; Judith , 34; Rosalie, 36; Crystalyn, 25; Mica, 23; Nean, 22; Peewhy, 27; Myla, 32; at dalawang magkapangalan na Jean.

Batay sa isinumiteng report ni Policer Major Gideon Ines Jr., Deputy Chief ng Makati City Police una nilang sinalakay ang Pentagon Spa na matatagpuan sa kahabaan ng Belamino St. Barangay Bangkal , nang nasabing lungsod dakong alas-11:15 ng gabi.

Matapos makatanggap ng report ang mga pulis na ginagawa umanong prostitution den ang nasabing spa at isang police ang nagpanggap na customer na makikipagtalik sa isa sa mga sex worker nito.

Nang magpositibo ay dito na dinakip ng raiding team ng Makati City ang mga suspek at nakakumpiska ng mga gamit na ginagamit sa pakikipagtalik tulad ng condom.

Sa pangalawang pagsalakay ng mga awtoridad nadakip din ang isang maintainer at dalawang umano’y bugaw habang na-rescue naman ang 24 babaeng sex worker sa Makati dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspect na sina Rafael Rosales, 42,maintainer,at residente sa no. 2625 Casino St., Barangay Palanan,panulukan ng Araro, Makati City; Rodolfo Robles y Estrella,38, ng no. 2425 Edison Cafe, Morse St., Barangay San Isidro sa nasabing lungsod at Josua Rivera y Balbin, 29,ng 171 Electrical Road, Pasay City.

Samantala nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na 24 babae upang isailalim sa counseling at stress de briefing.

Sa report ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police nagkasa ng police at rescue operations ang mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) sa pangunguna nina Police Major Ines Jr. at Women and Children’s Protection Section (WCPS) Lt. Mylene Juan sa no. 2425 Edison Cafe,na matatagpuan sa Morse St., Bgy. San Isidro sa nasabing lungsod.

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na customer at sa gitna ng operasyon at nagbayad ng P3,000 sa suspek na si Robles kapalit ng pakikipagtalik sa isang babaeng sex worker ng naturang café na sanhi ng kanyang agarang pagkakadakip gayundin sina Rosales at Rivera habang nailigtas naman ang mga nasabing babae sa lugar.

Narekober sa sa kuwarto ng prostitution den ang ilang sex paraphernalia.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang madakip din ang mga suspk na sina Shaila, 21; Sheena, 21; Mariel, 28; Joedeth, 24; Mae, 28; Lerry, 23; Roselen, 24; Josephine, 40 at Mark, 35, pawang mga taga Pinagbuhatan, Pasig City, Taguig at Taytay, Rizal.

Matapos salakayin ng Pateros Police ang Singkita KTV Bar na matatagpuan sa E. Ameda St., Barangay San Roque ng nabanggit na bayan.

Isa ding pulis ang nagpanggap na customer sa nasabing bar na kung saan nagbayad ito ng P2,000 piso sa mga suspect kapalit ng pagtatalik sa isang babae .

Sa ngayon ang mga nadakip na suspek ay kasalukuyan nakakulong ngayon sa detention cell ng Makati City Police at Pateros Police station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa paglabag sa Anti-trafficking of Persons Act of 2003 in relation to Municipal Ordinance 2013-12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?