71
views
pnp4
By

24 pulis-Mimaropa, sinibak dahil sa ‘poor’ drug war performance

Sharing is caring!

Tinanggal sa puwesto ng Philippine National Police (PNP) ang may 24 pulis sa Mimaropa region dahil umano sa mababang performance ng mga ito sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Sinabi ni PNP-Mimaropa Regional Director Police Chief Supt. Emmanuel Licup, inaprubahan niya ang rekomendasyon ng chairman at miyembro ng Oversight Committee on Illegal Drugs.

Batay aniya sa rekomendasyon ng komite mula Disyembre 5, 2017 hanggang Mayo 31, 2018 ay mababa at walang naging accomplishment sa anti-illegal drugs ang 24 na chief of police.

Epektibo nitong Hunyo 8, 2018 nang sinibak ang 24 na chief of police ng mga munisipalidad ng:

Bongabong, Bulalacao, San Teodoro, at Mansalay sa Oriental Mindoro;

Looc, Lubang, Calintaan, Paluan, at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro;

Sta. Cruz sa Mariduque;

Alcantara, Calatrava, San Agustin, Sta Fe, at Ferro sa Romblon;

Aborlan, Agutaya, Balabac, Bataraza, Brooke’s Point, Culion, Linapacan, at Quezon sa Palawan; at Puerto Princesa City sa Irawan Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?