18,842

Mar 22, 2020 @ 2:31
By

24 oras na curfew labag sa Konstitusyon – Chel Diokno

Hindi pabor si Human Rights lawyer Chel Diokno sa ipinatupad na 24-hour COVID curfew ordinance sa Muntinlupa City bilang tugon at pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa lungsod.

Sa Twitter ay nilahad ni Diokno ang kanyang pagtutol sa ordinansa sa naturang lungsod.

“Siyempre nakikiusap tayong manatili lahat sa bahay, pero labag na sa Konstitusyon ang ordinansang ito. Ang ‘24-hour curfew’ ay outright denial of the right to travel and freedom of movement.”

May hirit din ito sa mga menor de edad na mahuhuling lumalabag sa curfew.

“At ayon sa Comprehensive Juvenile Justice Act, bawal patawan ng penalty ang mga minor para sa curfew violation. Dapat dalhin sila sa kanilang bahay o i-turn-over sa kanilang magulang,” tweet pa ni Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?