101
ABANTE-TNT-solon-antonio-tinio
Dec 20, 2017 @ 12:03
By

24 opposition solons, zero budget sa 2018

Walang budget para sa mga proyekto sa kanilang distrito ang hindi bababa sa 20 kongresista na karamihan ay taga-oposisyon.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, 23 miyembro ng Kamara ang hindi binigyan ng alokasyon para sa infrastructure projects sa ilalim ng 2018 budget.

“Ang dinig natin ay sa 2018 budget, kinaltas daw ‘yung mga individual allocations ng mga certain representatives who are apparently hindi good graces with the House leadership,” ani Tinio.

Kabilang sa sinasabing ‘na-zero’ ang mga miyembro ng independent minority o ang grupong Magnificent 7, ang Makabayan bloc at ilang kasapi ng Liberal Party.

Dahil dito’y nanindigan si Tinio na meron pa ring ‘pork barrel’ sa pambansang pondo sa susunod na taon sa kabila nang mariing pagtanggi ng liderato ng Kamara.

“Merong individual allocations, both for hard and soft projects, infrastructure, medical assistance and so on,” sabi ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?