31
views
ABANTE-TNT-1m-cocaine-shabu-drugs
By

24 kilo ng cocaine nasabat ng PNP sa Sorsogon

Sharing is caring!

Narekober ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 ang 24 kilo ng cocaine sa tabing dagat ng Barangay Calintaan, sa Matnog, Sorsogon Huwebes ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, ang narekober na kilo-kilong cocaine ay nakalagay sa 25 pirasong kulay asul na plastic container na nagkakahalaga ng P125 milyon.

Nadiskubre ito ng mga pulis alas-5:30 ng hapon kanina.

Agad dinadala ang mga ito sa PNP Regional Crime Laboratory Office 5 sa Camp Ola sa Legaspi City para sa confirmatory laboratory examination.

Bago ito namonitor ng PNP na isang foreign vessel Jin Ming Number 16 cargo vessel ang nag-emergency docking dakong alas-12:30 ng tanghali noong Enero 2,2018 sa Brgy. 2 Poblacion, Pambujan in Northern Samar, kung saan 300 metro ang layo mula sa shoreline.

Sakay ng foreign vessel ang siyam na crew anim ay Chinese, dalawa Hongkong nationals, at isa ay Tawainese na sa ngayon ay nasa kustodiya ng alkalde ng Sorsogon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?