31

Feb 24, 2021 @ 19:43
By

24 empleyado ng Navotas City Hall kinapitan ng COVID-19

Ini-lockdown ang Navotas City Hall matapos 24 staff nito ang magpositibo sa coronavirus disease.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, Peb. 24, limang araw ila-lockdown ang Navotas City Hall para ma-disinfect ang lahat ng opisina roon.

Maliban sa main city hall, sarado rin mula Pebrero 23 hanggang Pebrero 28 ng alas-11:59 ng gabi ang Navotas City Hall Annex at Franchising Permits Processing Unit.

Sumailalim din aniya sa swab test ang lahat ng mga empleyado ng city hall kahit hindi close contact.

Balik operasyon naman ang city hall sa Marso 1.

Noong Linggo, nag-anunsyo po tayo na may mga kawani ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19. Pina-isolate po…

Posted by Toby Tiangco on Tuesday, February 23, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?