17

Jun 8, 2020 @ 17:50
By

24 dating NPA binigyan ng tig-P10K pangnegosyo

Sa negosyo na at hindi sa bakbakan magiging abala ang 24 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos silang pagkalooban ng “Negosyo Kits” ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay 1st Lt. Elma Grace Remonde, civil military operations officer ng 47th Infantry Battalion, natanggap na ng mga nagbalik-loob na rebelde ang livelihood assistance na nagkakahalaga ng P10,000 para magkaroon ng pagkakakitaan gaya ng sari-sari store.

Imomonitor ang 24 beneficiaries ng DTI-Bohol at sakaling napalago ang kanilang negosyo ay bibigyan ang mga ito ng dagdag na tulong para sa expansion.

Isa sa mga benepisyaryo na si “Ka Amad” ay malaki ang pasasalamat sa programa.

Ani “Ka Amad” sa ulat ng PNA, nagpasya siya noong maging combat team leader ng NPA sa Mindanao nang pangakuan ng bukirin pero hindi ito natupad.

Pinuwersa pa raw sila ng kanyang misis na bumalik sa Bohol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?