By

24 banyaga huli sa credit card scam

Sharing is caring!

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang dalawang bahay sa isang exclusive village sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., isinilbi nila ang isang search warrant sa Dasmariñas Village, alas-10:30.

Aniya, ang dalawang bahay ay sa Mabolo at Paraiso streets.

Sa operasyon, 24 banyaga ang kanilang naaresto dahil sa hinala na sangkot sila sa credit card scam.

Kinumpiska sa mga suspek ang ilang credit cards, computers, laptops, mobile phones, router, drones at broadband.

Sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 8484 o ang Access Devices Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?