52

By

24 arestado sa vote-buying sa Calabarzon, CAR

Nasa 24 na indibiduwal ang nadakip dahil sa umano’y vote-buying sa Calabarzon Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinaalalahanan naman ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang bumili o magbenta ng boto dahil maigting na ipinatutupad ang kampanya kontra vote-buying.

Ayon sa Commission on Elections, isang election offense ang vote-buying na may parusang isa hanggang anim na taon na pagkakakulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?