108

Jan 1, 2018 @ 16:14
By

24 arestado sa pagpapaputok ng baril – PNP

Umakyat na sa 24 ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa indiscriminate firing o iligal na pagpapaputok ng baril.

Ito ay batay sa record ng Ligtas Paskuhan 2017 ng PNP simula noong Disyembre 16 hanggang alas-sais kaninang umaga ng Enero 1, 2018.

Pinakamarami pa rin sa National Capital Region Police Office na umabot sa walo kung saan dalawa rito ay sibilyan, tatlo ang pulis, dalawa ang sundalo at isa ay security guard.

Isang barangay official naman ang nahuli ng Police Regional Police-1, isang sibilyan rin ang naaresto ng PRO-2, dalawang sibilyan ay naaresto sa PRO-3, anim ang nahuli ng PRO-6 lima rito ay sibilyan, isa ay security guard, isang brgy official din ang naaresto sa PRO-4B, isang sibilyan sa PRO-6, dalawang sibilyan rin sa PRO-7, isa sa PRO Cordillera at isang sibilyan rin ang naaresto sa PNP ARMM.

Samantalang sa kaso ng stray bullet ay dalawa pa lamang ang nasa record ng PNP. Nahuli ang isa rito ng NCRPO at isa ay sa Region 10 o Northern Mindanao PNP. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?