19

Sep 6, 2020 @ 18:27
By

23K dagdag sa gumaling sa COVID-19

Bumaba sa 48,803 ang active case ng COVID-19, o iyong mga nagpapagaling pa sa virus nitong Linggo.

Ito’y matapos na madagdagan ng 23,074 ang gumaling sa sakit, umakyat sa 184,687 ang total recovery ayon sa Department of Health.

Samantala, lumobo sa 237,365 ang tinamaan ng COVID-19 sa 2,839 bagong positibo sa naturang virus.

Karamihan dito ay mula pa rin sa NCR na may 1,170 case, pangalawa ang Negros Occidental (195), habang sumunod ang Laguna (190), Cavite (182) at Rizal (154).

Bahagyang tumaas naman ang death toll sa 3,875 sa 85 bagong nasawi sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?