15

Sep 7, 2021 @ 15:46
By

234 lespu sapol ng COVID

Naitala nitong Lunes ang 234 pulis na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, sumipa na sa 35,915 ang kabuuang bilang ng pulis na nasapol ng naturang virus ayon sa PNP Health Service.

Tumaas naman sa 33,554 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos maitala ang 219 bagong nakarekober mula sa COVID mula sa PNP.

Nanatili naman sa 108 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang lumobo na sa 2,253 ang total ng mga COVID active case sa PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,