26
ABANTE npa suko surrender hunger

23 rebeldeng NPA sumuko sa Sultan Kudarat dahil sa pagod, gutom

Sharing is caring!

Sumuko sa mga awtoridad ang 23 mga rebelde na pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Senator Ninoy Aquino (SNA) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Dahilan sa pagsuko ng mga rebelde ay matinding pagod at gutom kayat nagpasya silang sumuko sa alcalde ng SNA na si Randy Ecija Jr. at Armed Forces of the Philippines 33rd Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, sa pulisya at mga opisyal ng Brgy.

Sinabi ni Cabunoc na siyam sa mga ito ay miyembro ng armed wing, habang ang 12 naman ay mula sa Kilusang Rebolusyonaryong Barangay, at ang dalawang iba pa ay mula sa isang armed group sa SNA.

Isinuko rin ng grupo ang kanilang mga armas kabilang ang apat na Garand rifles, 1 M14 rifle, 1 homemade rifle, 1 homemade pistol, 1e .45 pistol, 2 MK2 fragmentation grenades at isang smoke grenade.

Nagpasalamat naman si Ecija na sa kanyang lugar sumuko ang mga rebelde.

Kabilang din anya na makukuha ng mga sumukong rebelde ang pagbibigay ng livelihood at education sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?