8

By

23 quarry operator sa Naga, balik-operasyon na

Sharing is caring!

Back to business na ang walong large-scale quarry operators at 15 Industrial Sand and Gravel (ISAG) operators sa Central Visayas matapos silang bigyan ng clearance ng Mines and Geosciences Bureau-7 (MGB-7).

Subalit nananatiling suspendido pa rin ang operasyon ng Apo Land and Quarry Corp. (ALQC) sa ilalim ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) para sa patuloy na imbestigasyon kaugnay sa pagguho na kung saan malapit ito sa lugar ng pinangyarihan.

Matatandaang sinuspende ang kanilang operasyon matapos ang naganap na landslide sa Barangay Tina-an, Naga City noong Sept. 20 na ikinasawi ng 78 katao, marami ang nasugatan, apat ang nawawala, at nasa 6,791 indibidwal ang nawalan ng tirahan.

Pirmado ang pagbabalik-operasyon ng 23 quarry operators ng bagong talagang MGB-7 officer-in-charge Efren Carido bilang tugon sa utos ni MGB Director Wilfredo Moncano.

Ang pagbaba ng suspension order ay base sa pagtiyak ng mga local government units at operators ng quarry na sumunod sa mga inirekomenda ng composite technical team para sa safety and geohazard survey sa kanilang nasasakupan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,