441

By

23 pulis, nahuling tulog sa presinto, sinibak sa puwesto

Sharing is caring!

Tinanggal sa puwesto ang 23 na pulis, kabilang ang chief of police, sa Anilao Municipal Police Station sa Anilao, Iloilo matapos mahuling natutulog habang naka-duty.

Kinumpirma ito ni Sr. Supt. Marlon Tayaba, provincial director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), kung saan epektibo ang pagsibak nitong Biyernes.

Ipinag-utos ang pagsibak ni Chief Supt. John Bulalacao, Regional Director ng Police Regional Office sa Western Visayas (PRO-6).

Aniya, sa ginawang surprise inspection sa Western Visayas (Napolcom-6) dakong alas-4:40 ng madaling-araw noong Huwebes ay nahuli ang mga pulis na natutulog sa oras ng trabaho.

“Our investigation is still ongoing and we are also looking for the liabilities of these relieved police officers,” ani Tayaba.

Samantala, pinalitan na rin si Senior Insp. Menrico Candaliza ni Chief Insp. Ciriaco Esquiliarga bilang hepe ng nabanggit na istasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?