7

Feb 14, 2021 @ 17:59
By

23 pulis ‘di nakaligtas sa COVID-19

Sumirit na sa 10,609 ang bilang ng naitalang kaso ng kawani ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID-19 matapos maitala ang 23 bagong kaso kahapon.

Nadagdagan naman ng 16 parak ang gumaling mula sa virus. Sa kabuuan, 10,091 parak na ang nakarekober mula sa naturang sakit.

Nanatili naman sa 30 ang death toll rate ng PNP.

Kasalukuyang umabot na sa 488 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?